Tingin ka ng tingin sa iba
Pero lagi mo akong kausap
Ano ba meron sila
Na sa akin ay wala?
Na sa akin ay wala?
Gabi-gabi may message ka sa akin
Pero ang iksi lang pala nang sasabihin,
"Ipagdasal mo naman ako
Para mawala kalungkutan ko".
Pero ang iksi lang pala nang sasabihin,
"Ipagdasal mo naman ako
Para mawala kalungkutan ko".
Nagbigay na nga ng mga sinyales
Ngunit talagang napaka-dense
Ng utak mong isa lang ang sinasabi
Na may iba kang gustong babae.
Ngunit talagang napaka-dense
Ng utak mong isa lang ang sinasabi
Na may iba kang gustong babae.
Sa tingin mo ba di ako nasasaktan
Sa tuwing ako'y pinapakiusapan
Na kamustahin ang iba
Pero ako di mo man lang kinukumusta?
Sa tuwing ako'y pinapakiusapan
Na kamustahin ang iba
Pero ako di mo man lang kinukumusta?
Siyam na taon akong nanahimik
Sabi ko aking ililihim
Ang nararamdaman ko sa iyo; ito ba ang kapalit?
Na kausapin mo lang at di mahalin?
Sabi ko aking ililihim
Ang nararamdaman ko sa iyo; ito ba ang kapalit?
Na kausapin mo lang at di mahalin?
Kung wala ka rin naman palang nais sa akin
Kundi ang kaibiganin
Wag mo naman akong paasahin
Dahil hindi mo ako kayang ibigin.
Kundi ang kaibiganin
Wag mo naman akong paasahin
Dahil hindi mo ako kayang ibigin.